--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang Grade 4 pupil matapos madaganan ng gumuhong semento mula sa hinuhukay na drainage canal sa Brgy. Bantug, Roxas, Isabela.

Ang nasawi ang labing apat na taong gulang na lalaki at residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Roxas Police Station, bago ang insidente ay nangongolekta ng bakal ang biktima kasama ang nakababata nitong kapatid sa ibaba ng nahukay na drainage project.

Habang sinusubukang hilain ng biktima ang isang bakal ay gumuho ang malaking tipak ng semento mula sa itaas ng hukay at nahulog ito sa biktima.

--Ads--

Nagtulungan naman ang mga bystander na i-angat ang nakadagan semento kung saan nagawa pa nilang isugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara ng patay ng kaniyang attending phycisian.