--Ads--

CAUAYAN CITY – Labis ang pighati at pagdadalamhati ng mga kapamilya ng isang grade 8 student na nalunod kahapon at natagpuan na kaninang umaga ang kanyang bangkay sa Cagayan River sa barangay Mozzozzin Sur, Sta. Maria, Isabela.
.
Kinumpirma ni P/Master Sgt. Jerby Babaran, investigator Sta. Maria Police Station na natagpuan kaninang alas sais ng umaga ang bangkay ng biktimang si Jomel Gatan, 13 anyos at residente ng Mozzozzin Sur, Sta. Maria, Isabela.

Natagpuan ang bangkay ni Gatan malapit sa lugar kung saan siya nalunod kahapon.

Alas tres kahapon nang magtungo sa ilog ang biktima kasama ang kanyang pinsan upang maligo ngunit nalunod ang binatilyo.

Posibleng napunta sa malalim na bahagi ng Cagayan River si Gatan sanhi ng kanyang pagkalunod.

--Ads--