Umabot sa $110.9 bilyon ang gross international reserves (GIR) ng Pilipinas sa pagtatapos ng 2025, ayon sa paunang datos, na nagpapakita ng matibay na external liquidity ng bansa.
Katumbas ito ng halos pitonhg buwang halaga ng pag-aangkat ng mga kalakal at pagbabayad para sa serbisyo at pangunahing kita, mas mataas kaysa sa itinatakdang international adequacy benchmarks.
Saklaw din ng reserbang ito ang humigit-kumulang apat na beses ng panandaliang panlabas na utang ng bansa batay sa residual maturity, na nagbibigay ng sapat na pananggalang laban sa posibleng pabago-bagong galaw ng kapital at iba pang external financing risks.
Ang gross international reserves ay binubuo ng mga foreign-currency securities, foreign exchange holdings, at iba pang reserve assets kabilang ang ginto.





