--Ads--

Maglalabas ang GSIS ng higit P19 bilyon bilang loan refunds para sa 1.37 milyong miyembro at pensioners sa ilalim ng Balik Ginhawa program.

Ang refund ay katumbas ng hanggang tatlong buwang amortizations na ibabalik bilang lump sum.

Ipinaliwanag ni GSIS President at General Manager Wick Veloso na mas mabilis at mas epektibo ang programang ito kumpara sa tradisyunal na moratorium dahil sa halip na suspindihin ang bayad, ibinabalik agad ang tatlong buwang amortizations bilang lump sum.

Aniya, layunin nitong magbigay ng agarang tulong pinansyal sa mga miyembro sa oras na higit nilang kailangan.

--Ads--

Gayunpaman, nilinaw ng GSIS na tanging mga miyembro at pensioners na nagbayad ng loan sa nasabing panahon ang makatatanggap ng refund.

Ang mga hindi nakapagbayad sa loob ng tatlong buwan ay hindi kwalipikado. Inaasahang makapagbibigay ang programang ito ng makabuluhang ginhawa sa mga kawani ng gobyerno at pensioners na patuloy na humaharap sa hamon ng gastusin sa araw-araw.