--Ads--
Wala sa bokabularyo ng 90-anyos na si Beverly Hannett-Price ang salitang “retirement”.
Matapos ang 67 taong pagtuturo, opisyal siyang kinilala ng Guinness World Records bilang may hawak ng titulong “longest career as a language teacher (female)”.
Nagsimula siyang magturo ng English noong 1958 sa Detroit Country Day School.
Sa loob ng halos pitong dekada, naging guro siya ng ilang sikat na personalidad tulad ng yumaong Hollywood actor na si Robin Williams, Steve Ballmer (former Microsoft CEO), at Courtney B. Vance (award-winning actor).
--Ads--
Sa isang surprise assembly, emosyonal na tinanggap ni Hannett-Price ang parangal at sinabing patuloy siyang magtuturo hangga’t kaya niya dahil mahal niya ang pagtuturo.











