--Ads--

Nagpaabot ng pagbati at mensahe ng pag-asa si Archbishop Gilbert A. Garcera, Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, sa pagdiriwang ng Easter Sunday.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Archbishop Garcera ang kahalagahan ng muling pagkabuhay ni Hesus bilang simbolo ng pag-asa, liwanag, at bagong simula para sa lahat ng mananampalataya. Ayon sa kanya, ang diwa ng Easter ay hindi lamang alaala ng nakaraan kundi isang buhay na katotohanang patuloy na nararanasan sa kasalukuyan.

Gayunman, nagpahayag din siya ng kalungkutan sa kalagayan ng ilang bansa kung saan patuloy ang kaguluhan at digmaan. Partikular niyang binanggit ang mga mamamayan sa Middle East, Myanmar, at iba pang lugar na dumaranas ng matinding paghihirap.

Hinimok niya ang mga mananampalataya na ipagdasal ang kapayapaan sa buong mundo, lalo na para sa mga komunidad na apektado ng karahasan at kaguluhan.

--Ads--

Nagpasalamat din ang arsobispo sa Bombo Radyo Philippines at Star FM Philippines sa pakikiisa sa paggunita ng Easter Sunday.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, nanawagan siya ng patuloy na panalangin upang makamit ang tunay na kapayapaan na hatid ng muling pagkabuhay ni Hesus.