--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasunog ang isang abandonadong bahay sa Cortez Street Barangay District 2.

Ayon sa mga otoridad bago sumiklab ang apoy ay mayroon umanong mga batang naglalaro ng bahay-bahayan sa loob ng abandonadong bahay at posibleng naglaro rin sila ng lighter na pinagmulan ng apoy.

Walong taon na umanong walang nakatira sa bahay na pagmamay-ari ng namayapang si Ginang Florida Daquiaog.  

Dati umanong boarding house ang bahay, subalit inabandona ng namatay ang may-ari.

--Ads--

Aabot sa halos 250,000 pesos ang halaga ng natupok ng apoy.

Nagsimula ang sunog ala una trenta y otso kahapon ng hapon at idineklarang fire out ganap na ala una singkwenta y kuwatro ng hapon.

Apat na mga fire trucks ang nagtulong tulong  bago tuluyang naapula ang apoy.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni  Senior Fire Officer 1 Maricar Castillo, Chief ng Operation Section ng Cauayan City Fire Station na patuloy ang paalala nila sa publiko na palagiang suriin ang mga wirings ng kuryente  sa kanilang mga bahay at ilayo sa mga bata ang mga posporo o lighter.