--Ads--
CAUAYAN CITY- Sunud-sunod ang pagsilang ng tinaguriang Christmas babies sa isang pagamutan sa Santiago City.
9 na sanggol na tinaguriang Christmas babies ang ipinanganak sa Southern Isabela General Hospital sa Santiago City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa ilan sa mga nanganak kanilang sinabi na hindi umano nila inaasahan na sa araw ng pasko o December 25, 2017 sila manganak.
Anila, maituturing na mapalad na naipanganak ang kanilang mga sanggol dahil kasabay ito sa kapanganakan ni Hesu Kristo.
--Ads--
Ayon naman kay Dra. Marites Donaire, Obstetrics and gynecology ng SIGH na ipinanganak ng normal habang apat sa mga nanganak ay panganay ang isinilang.




