--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasa halos isan-daang mga Persons Deprived of Liberty o PDLs sa BJMP Cauayan ang nag-enroll sa Alternative Learning System Program ng Cauayan City Stand Alone Senior High School.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay John Mina, School Principal ng Cauayan City Stand Alone Senior High School, sinabi niya na mayroong 52 na PDLs mula sa BJMP ang nag enroll sa Grade 11 para sa Academic Year 2024-2025 habang mahigit animnapu naman ang enrollees sa grade 12.

Aniya, ang mga PDLs ay under sa Technical and Vocational Livelihood Track para maturuan sila ng mga livelihood skills.

Ito ay kinabibilangan ng Carpentry, Electrical Installation and Maintenance at ICT.

--Ads--

Mayroon lang aniyang limang ALS Coordinator ang Cauayan City Stand Alone Senior High School kaya’t magkakaroon lamang ng dalawang araw na face to face classes at mag-iiwan naman sila ng mga modules para continues ang kanilang mga pag-aaral.