--Ads--

Matagumpay na naisagawa ng mga tauhan ng San Pablo Police Station ang isang anti-illegal logging operation na nagresulta sa pagkakasabat ng mga ilegal na troso at pagsasampa ng kasong paglabag sa Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code of the Philippines sa Brgy. San Vicente, San Pablo, Isabela.

Ayon sa ulat, ang operasyon ay isinagawa bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa illegal logging sa nasabing lugar.


Kinilala ang mga suspek na sina alyas Roy, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. San Vicente, San Pablo, Isabela; alyas Ben, nasa hustong gulang at residente rin ng parehong barangay; at tatlo pang hindi nakikilalang indibidwal. Sa kasalukuyan, ang mga nabanggit na suspek ay nananatiling at-large at patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.


Nakumpiska mula sa kna ang apatnapu’t siyam (49) na piraso ng bagong tabas na G-Melina lumber sa iba’t ibang sukat na may kabuuang bolyum na 459.9 board feet at tinatayang nagkakahalaga ng Php22,995.00.

--Ads--

Ang mga nasabing kahoy ay pinaniniwalaang pinutol at tinroso nang walang kaukulang permit mula sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan.


atapos ang dokumentasyon, dinala ang mga nakumpiskang troso sa San Pablo Police Station para sa wastong disposisyon at kaukulang legal na proseso.


Kasalukuyang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Presidential Decree No. 705 laban sa mga suspek.