CAUAYAN CITY – Umabot sa 1, 425 families o 4, 753 individual ang lumikas sa isinagawang preemptive evacuation na ipinatupad sa apat na lalawigan sa region 2 para maiwasan ang panganib ng pagbaha dahil sa malakas na ulan na dala ng bagyong Ulysses.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Ronald Villa, hepe ng operations section ng Office of Civil Defense (OCD) region 2 na sa Isabela ay 125 families o 414 individuals ang nagsagawa ng preemptive evacuation sa mga bayan ng Quezon, Dinapigue, Plaanan at Maconacon.
Sa Cagayan ay 1,790 individuals habang sa Nueva Vizcaya ay 184 families o 606 individuals sa Aritao, Bambang, Quezon at Solano habang sa Quirino province ay 574 families o 1,943 individuals sa Diffun, Maddela at Nagtipunan,
Samantala, nagdulot ng pagtaas ng water level sa mga ilog, sapa at sa mga mababang lugar sa ilang bayan sa Isabela ang magdamag na pagbuhos ng pag-ulan dulot ng bagyong Ulysses.
Inilikas ang ilang pamilya sa District 3, Cauayan City at sa Rosario, Santiago City dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog .
Samantala, nagpapalabas ng malaking volume ng tubig ang Magat dam sa Ramon, Isabela dahil sa malaking volume na pumapasok mula sa mga watershed areas.
Ang water elevation ng Magat Dam hanggang kaninang alas sais ng umaga ay ay 190.10 meters.
Ang inflow ay 2,744 cubic meters per second (cms) habang ang outflow ay 989 cms at dalawang gate ang nakabukas na may taas na 4 meters.






