CAUAYAN CITY – Umabot sa halos apat na milyong livelihood Assistance ang naipamahagi sa Buyasan Farmers Association isang People’s Organization ng mga nagbalik loob na rebelde sa buong Lalawigan ng Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Maj. Rigor Pamittan ang Division Public Affairs Office Chief ng 5th Infantry Division Philippine Army sinabi niya na umabot sa humigit kumulang dalawandaang dating rebelde ang nakinabang sa naturang tulong mula sa Pamahalaan.
Maliban dito ay nagkasa rin sila ng local peace engagements katuwang ang NICA Region 2 at Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity Gattaran Cagayan.
Layunin ng mga programa ng Militar na mapalakas ang ugnayan ng Pamahalaan at Komunidad kaugnay sa pagpapalaganap kapayapaan.
Kamakailan ay ginanap ang Reservist Retiree Forum 2024 na dinaluhan ng iba’t ibang heads at administrators sa hanay ng Militar sa Northern Luzon.
Pinawi naman ng Militar ang pangamba at agam-agam ng taumbayan dahil sa mga naitalang bakbakan sa iba’t ibang panig ng bansa laban sa rebeldeng pangkat.
Ayon kay Army Maj. Pamittan na maraming mga ginagawang hakbang ang Militar at iba pang ahensya ng pamahalaan para maipagpatuloy ang kapayapaan sa kanilang nasasakupan.
Kabilang dito ang tuluy-tuloy na paghihikayat nila sa mga nalalabing miyembro ng NPA na magbalik loob na sa pamahalaan.
Samantala, maliban sa pagsusulong ng kapayapaan ay pinagtutuunan na rin ng pansin ng Militar ang kanilang masigasig na pakikiisa sa Environmental Protection.