Umaabot sa halos 3 milyon ang mga Pilipino na walang trabaho sa pagpasok ng Enero ngayong taon, 2026 batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa PSA, nitong Marso ang unemployment rate sa bansa ay pumalo sa 5.8%, mas mataas sa 4.3% na naitala sa kaparehong period ng 2025.
Nanangahulugan ito na nasa 2.96 milyon ng 80.89M Pinoy ay jobless sa pagpasok ng 2026 habang nasa 2.17M ang unemployed sa kaparehong period ng 2025.
Nagtala rin ang PSA ng bahagyang pagbaba sa underemployment rate ng 13.2% noong January 2026 kumpara sa 13.3% sa kaparehong period noong 2025.
Ang mga underemployed ay mga indibidwal na may trabaho pero nais pang madagdagan ang oras ng trabaho o second job.
Ang services sector ang nananatiling may pinaka mataas na pinagmulan ng trabaho ng mga Pinoy o nasa 63.6%, sinundan ng mga pabrika 18.3% at agriculture sector 18.1%.











