--Ads--

CAUAYAN CITY– Isang good Samaritan mula Annafunan Tumauini Isabela ang nagbalik ng labing pitong libong piso na halaga ng pera na nahulog mula sa isang tricycle.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Melchor Aggabao Chief of Police Tumauini Police Station sinabi niya na mismong si Vice Mayor Christopher Lee ang nagpaalam sa kanila sa napulot na pera ni Ginoong Ricky Macatuggal isang helper na residente ng Barangay Annafunan Tumauini, Isabela.

Ayon sa salaysay ni Macatuggal ay nakitaniya ang nagliparang pera sa  sinusundan niyang tricycle na nagkakahalaga ng labing pitong libong piso.

Nagkataon aniya na halos nagkasabay sa himpilan ng puliysa ang may ari ng pera at ang nakapulot na agad ring naibalik.

--Ads--

Ayon sa biktima na ang pera ay gagamitin nilang pambayad ng isda at  ibinulsa umano ito ng kanyang anak subalit dahil sa maluwag ang bulsa nito ay nilipad ng hangin ang pera.

Sinubukan naman umanong ihabol ni Macatuggal ang napulot pero wala na ang tricycle kaya nagpasya na lamang siya na tawagan ni Vice Mayor Lee para makipag coordinate sa PNP at doon ibinalik ang pera.

Ayon pa sa hepe na hindi aniya ito ang unang pagkakataon na nagbalik ng napulot na pera si Macatuggal dahil may mas malaking halaga pa ng pera ang kaniyang napulot at naibalik din.