--Ads--

Nakapagtala ng bagong Guinness World Record ang isang higanteng Slim Jim sa Nebraska, United States matapos umabot sa 429 feet at 5.4 inches o mahigit 130 metro ang haba nito.

Inilabas ang rekord na Slim Jim noong Setyembre 9 sa campus ng Conagra Brands sa Omaha, Nebraska, at kinumpirma ng Guinness World Records adjudicator na ito ang pinakamahabang meat snack sa buong mundo.

Mahigit 116 feet o higit 35 metro itong mas mahaba kumpara sa dating may hawak ng record.

Ayon sa “Blaze Crew,” ang grupong lumikha ng higanteng Slim Jim, tiniyak nilang pareho ang recipe at flavor nito sa karaniwang Slim Jim.

--Ads--

Una itong nakapulupot sa isang malaking rolling wire rack bago unti-unting inilatag sa magkakasunod na mesa sa parking lot upang maipakita ang buong haba nito.

Sinabi naman ng Conagra Brands na ang record-breaking Slim Jim ay bunga ng creativity, expertise at dedikasyon ng kanilang team.