--Ads--

Isang High Value Individual na sangkot sa iligal na droga ang naaresto matapos ang matagumpay at intel-driven implementation of Search Warrant na isinagawa sa Barangay 4, San Mateo, Isabela.
Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Jimmy,” 38-anyos, binata, at residente ng nasabing lugar.


Ang operasyon ay isinagawa ng San Mateo Municipal Police Station , lead unit, katuwang ang Police Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit (PIU/PDEU) ng Isabela Police Provincial Office, PIT Isabela West RIU 2, at Philippine Drug Enforcement Agency- Isabela Provincial Office (PDEA IPO).


Ang search warrant ay inisyu ng Regional Trial Court, Branch 40, Second Judicial Region, Office ng Executive Judge, Cauayan City noong Enero 26, 2026, na nagresulta sa pagkakasamsam ng tatlongpu’t- dalawang (32) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 20.21 gramo at Standard Drug Price na ₱131,365.00, isang (1) sachet ng hinihinalang marijuana (KUSH) na may bigat na 1.97 gramo na nagkakahalaga ng ₱1,000.00, at isang (1) weighing scale.


Bukod dito, sa isinagawang plain view search, nasamsam din ang mga non-drug evidence kabilang ang dalawampung (20) piraso ng glass tooter at isang self-sealing plastic bag na naglalaman ng labinpitong (17) piraso ng 9mm live ammunition, limang (5) piraso ng .45 caliber live ammunition, at dalawang (2) piraso ng .22 caliber live ammunition.

--Ads--


Ang matagumpay na operasyong ito ay malinaw na tumutugon sa agenda ni Chief, Philippine National Police, PGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, partikular sa Law Enforcement Excellence at Crime Prevention and Suppression, na nagbibigay-diin sa intelligence-driven, focused, at lawful police operations, pagpapaigting sa kampanya laban sa ilegal na droga bilang bahagi ng adbokasiya ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas.


Sa isang pahayag, sinabi ni PCOL MANUEL B BRINGAS, Acting Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, na ang naturang operasyon ay bunga ng mahusay na koordinasyon at masusing intelligence work ng kapulisan sa ilalim ng pamumuno ng PRO2 Regional
Muli ring hinikayat ng pamunuan ng IPPO ang publiko na makipagtulungan sa kapulisan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon laban sa kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Isabela.