--Ads--

Pansamantalang ikinansela at delayed ang 209 flights kabilang ang 160 domestic at 39 international air cargo flights sa Jakarta nitong Linggo ng madaling araw ng 1:30 a.m. (Western Indonesian Time), Setyembre 6.

Kasunod nito ang pansamantalang pagpapasara sa Soekarno-Hatta International Airport matapos mag-alburuto ang bulkang Anak Krakatau at magbuga ng makapal na abo kung saan naaberya ang humigit-kumulang 23,000 na biyaherong na-stranded ang pagpapasara ng paliparan.

Samantala, ayon geological agency ng Indonesia, nagpakita na ng sensyales ng pagiging aktibo ang nasabing bulkan nitong Sabado bago ito mag-alburuto ng 3:53 a.m. ng Linggo. (Western Indonesian Time).

Kumalat na rin ang volcanic ash sa ilang bahagi ng Banten, Jakarta, West Java, Lampung at Bengkulu, habang umabot umano sa 50-thousand feet ang taas ng ash cloud.

--Ads--

Sa ngayon Suspendido o inilipat naman sa online setup ang ilang aktibidad, kabilang ang klase, habang ipinagbabawal muna ang mga outdoor activities sa mga apektadong lugar.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Lyn Dolor na isa sa pangunahing concern ng pamahalaan ang epekto ng volcanic ash sa kalusugan, partikular sa respiratory system, mata at balat.

Pinapayuhan ang publiko na magsuot ng face mask at protective eyewear, manatili muna sa loob ng bahay at iwasan ang paggamit ng contact lenses upang maiwasan ang iritasyon sa mata.

Samantala, wala pa umanong natatanggap na ulat kaugnay sa isinasagawang evacuation sa mga lugar malapit sa bulkan at wala rin umanong naiulat na Pilipinong direktang naapektuhan ng pagputok ng Anak Krakatau.

Ang Anak Krakatau ay nabuo matapos ang napakalakas na pagsabog ng dating Krakatau noong 1883. Ang pagsabog noong 1883 ay nagdulot ng malalaking tsunami na ikinasawi umano ng tinatayang 36-thousand katao.

Makalipas ang ilang dekada, lumitaw ang bagong bulkan noong 1927 na tinawag na Anak Krakatau.

Bagama’t mas maliit ito kumpara sa Taal Volcano sa Pilipinas, itinuturing itong isang aktibong bulkan sa Indonesia.

Ang Indonesia, tulad ng Pilipinas, ay bahagi ng Pacific Ring of Fire kaya mataas ang bilang ng mga aktibong bulkan at madalas ding nakararanas ng mga lindol at iba pang aktibidad na may kaugnayan sa bulkan.
Sa ngayon, patuloy ang 24-hour monitoring ng mga awtoridad, kabilang ang pagbabantay sa posibilidad ng tsunami sa Sunda Strait.

Sa kabila ng patuloy na pagputok, wala pa umanong naitatalang abnormal na pagtaas ng tubig na indikasyon ng tsunami.

Patuloy ang paalala sa publiko na manatiling alerto, umiwas sa volcanic ash at sumunod lamang sa mga opisyal na abiso ng pamahalaan.

Noong 2018, naitala ang pinakamapaminsalang pagsabog ng Anak Krakatau sa kasalakuyang panahon. Nagdulot ito ng tsunami kung saan 430 na katao ang nasawi.