--Ads--

Nakatakdang tumaas ng hanggang P1.20 kada litro ang presyo ng produktong petrolyo simula ngayong alas-6 ng umaga ng Martes, Pebrero 17, ayon sa abiso ng mga oil companies.

Sa magkakahiwalay na pahayag, inanunsyo ng Pilipinas Shell, Seaoil, Caltex, Cleanfuel at Petrogazz na magpapatupad sila ng P1.20 dagdag-presyo sa gasolina at P0.60 naman sa diesel at kerosene. Ito na ang ika-anim na sunod na linggo ng pagtaas sa gasolina at ikawalong sunod na linggo para sa diesel at kerosene.

Ayon sa Department of Energy, pangunahing dahilan ng oil price hike ang tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan, partikular sa Iran, na maaaring magdulot ng pagkaantala sa suplay ng langis. Binanggit din ang banta ng supply disruption sa Strait of Hormuz, isang mahalagang ruta ng suplay ng langis mula sa Persian Gulf.