--Ads--
CAUAYAN CITY – Sa kabila nang walang tigil-pasada sa Isabela, iIlan sa mga tsuper ng jeepney ang nagpasyang maghalf-day na lamang dahil matumal ang kanilang pasada ngayong araw.
Ipinaliwanag ng isang tsuper na hindi na nagbigay ng pangalan, sila ay sang-ayon sa ipinaglalaban ng kanilang kasamahan sa kalakhang Maynila na tutulan ang jeepney phase-out alinsunod sa modernization program ng pamahalaan.
Hindi umano makatwiran ang pag-phase-out sa mga lumang jeep dahil ang kanilang mga pampasada ay nasa kondisyon at pawang mga short distance lamang ang kanilang tinatakbo.
Ang dapat umanong gawin ng pamahalaan ay obligahin ang magy-ari ng sasakyan na baguhin o ipa-overhaul ang kanilang makina na mahina na.
--Ads--




