Inaprubahan ng Special Committee on Senior Citizens ng House of Representatives ang isang substitute bill na naglalayong magbigay ng buwanang social pension sa lahat ng senior citizens.
Sa ilalim ng Republic Act 7432, tanging mga indigent senior citizens lamang ang may karapatan sa buwanang pensyon na P1,000. Hindi kabilang sa kasalukuyang benepisyo ang mga pensioner ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).
Ayon kay Marikina 2nd District Rep. Miro Quimbo, layon ng inaprubahang substitute bill na punan ang kakulangang ito sa umiiral na batas sa pamamagitan ng pagpapalawak ng saklaw ng social pension at gawing mandatory ang pagbibigay nito sa lahat ng senior citizens.
Dagdag pa ng mambabatas, na ang House Bill 1421 ay bahagi ng pinagsamang substitute bill, matagal nang nagtrabaho at nag-ambag sa kanilang pamilya at komunidad ang mga senior citizen, ngunit madalas na nahaharap sa kahirapan sa pagtustos ng araw-araw na gastusin sa kanilang katandaan.











