Nagtalaga ang House prosecution panel ng 10 private lawyers mula sa kilalang law firms para tumulong sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, nang walang bayad.
Kabilang sa mga ito sina Atty. Marforth Fua, Atty. Lorna Kapunan, at iba pang eksperto sa batas mula sa Pecabar at Kapunan law firms.
Ayon sa mga abogado, handa silang tumulong sa paghahain ng ebidensya at paglilitis nang patas at propesyonal.
Ang impeachment case ay may paratang na kinabibilangan ng umano’y maling paggamit ng confidential funds, hindi maipaliwanag na yaman, hindi tapat na SALN, at iba pang mabibigat na akusasyon, kabilang ang grave threats at inciting to sedition.
Nakatakdang gamitin ng prosekusyon ang mga naunang testimonya, COA findings, NBI reports, at AMLC records bilang bahagi ng kaso.











