--Ads--

Hindi nangangamba ang mga miyembro ng House prosecution panel sa posibleng epekto ng impeachment trial laban kay VP Sara Duterte sa kanilang kandidatura sa 2028 elections.

Ayon kay Rep. Ysabel Maria Zamora, nakahanda ang prosecution panel na tuparin ang kanilang tungkulin alinsunod sa Konstitusyon.

Sinabi ni Zamora na layunin lamang nilang iharap ang mga ebidensiya laban sa Bise Presidente na naging batayan ng Articles of Impeachment.

Iginiit din niya na hindi sila natatakot sa susunod na halalan dahil naniniwala silang makikita ng publiko at ng Senado ang lakas ng kanilang mga ebidensiya.

--Ads--

Samantala, sinabi naman ni Rep. Gerville Luistro na ginagampanan lamang ng prosecution panel ang kanilang constitutional duty.

Ayon kay Luistro, kumpiyansa ang prosecution team sa kanilang mga hawak na ebidensiya na karamihan ay mula sa mga isinagawang imbestigasyon ng Kamara.

Kabilang din sa prosecution team sina Reps. Leila de Lima, Jose Manuel Diokno, Joel Chua at iba pang mambabatas.