Naglabas ang Houthi movement sa Yemen ng video na umano’y nagpapakita ng wreckage ng isang Saudi F-15 fighter jet na sinasabing kanilang napabagsak sa Marib Province gamit ang locally manufactured surface-to-air missile.
Ayon sa Houthis, nagsagawa umano ng search operations ang mga Saudi F-15 at Typhoon fighter jet para hanapin ang wreckage ngunit napilitang umatras matapos silang harangin.
Hindi pa kinukumpirma ng Saudi Arabia ang napaulat na pagkawala ng naturang eroplano, habang hindi pa rin nabeberepika ang video at mga pangyayari sa sinasabing pagpapabagsak ng eroplano.
Samantala, nagpapatuloy ang airstrikes ng Saudi Arabia laban sa mga target ng Houthis sa Yemen, habang nangako naman ang Houthis na ipagpapatuloy ang kanilang mga retaliatory military operations laban sa tropa ng Saudi Arabia.





