--Ads--

Inihayag ng Isabela Provincial Highway Patrol Team na patuloy ang kanilang isinasagang pagbabantay sa mga lansangan sa lalawigan upang mabawasan na ang mga naitatalang aksidente sa lansangan at kakulangan ng papeles at lisensya ng mga motorista lalo na sa nalalapit na Undas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Renoli Bagayao, Provincial Officer ng HPG Isabela sinabi niya na pangunahin nilang tinututukan ang mga main highways sa lalawigan tulad sa Cordon-Santiago Maharlika Highway at sa Cabatuan-Roxas Highway.

Aniya ang nasabing mga kalsada kasi ang pangunahing dinadaanan ng mga motoristang papasok at palabas ng rehiyon.

Maliban sa mga isinasagawa nilang checkpoints ay nagsasagawa rin sila ng mobile patrolling laban sa carnapping pangunahin na ng motorsiklo.

--Ads--

Sa Undas ay mas pag-iibayuhin nila ang mga isinasagawang operasyon lalo na sa mga bus terminals at airport dahil inaasahan ang pagdagsa ng mga byahero nasabing mga araw.

Batay sa kanilang datos naglie-low na ang mga suspek sa Rent Tangay Modus matapos ang pagkahuli ng isang suspek sa bahagi ng Bulacan.

Malaki ang hinala nilang related ang nahuling suspek sa mga naitalang kaso ng Rent Tangay sa Isabela at Cagayan.

Pinayuhan naman niya ang mga motorista na maging mapagmatyag upang hindi mabiktima ng mga kawatan.

Laging sumunod sa batas trapiko at huwag matakot sa mga HPG Personnel na nagsasagawa ng operasyon dahil ang tanging hangad lamang nila ay ligtas na byahe ng mga motorista.