Handa ang buong hanay ng Highway Patrol Group sa pagdami ng mga motorista na dadaanan sa mga pangunahing kalsada ngayong kapaskuhan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj. Rey Sales ang Provincial Officer | Isabela Highway Patrol Team sinabi niya na nakahanda ang kanilang hanay sa pagdagsa ng mga motorsitang babaybay sa mga kalsada nagyong pasko.
Aniya nanatili silang naka alerto at nakabantay sa mga pangunahing kalsada para sa monitoring ng mga motorista na bumabaybay sa mga lansangan.
Patuloy ang paalala ng mga otoridad sa mga motorista na maging maagap at mapag matiyag sa kanilang mga sasakyan lalo at inaasahang maglilipana muli ang mga kawatan ngayong kapaskuhan.
Samantala, muli ay binigyang linaw ng HPG na hindi lamang mg motorsiklo ang kanilang tinututukan slalo na sa mga checkpoints dahil madalas sila ang nakikitang may violations.