CAUAYAN CITY- Isinagawa ngayong araw sa Camp Melchor Dela Cruz sa Upi, Gamu, Isabela ang Humanitarian Assistance Disaster Rescue (HADR) training bilang bahagi ng RP-US Balikatan Exercises.
Sa naging panayam ng BombO Radyo Cauayan, sinabi ni Army Capt Jefferson Somera, hepe ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division Philippine Army na noong May 7, 2018 nag-umpisa ang RP-US Balikatan Exercises sa ibat ibang lugar sa Northern at Central Luzon.
Binigyang ng focus sa Camp Melchor Dela Cruz ang HADR training na nakitang mas kailangan ng rehiyon sa pagtugon sa mga darating na sakuna at kalamidad.
Ginagawa ang urban search and rescue operation na kinabibilangan ng vehicle rescue at high and low angle route operation.
Ayon kay Capt. Somera, ituturo rin ng mga sundalong amerikano ang mga makabagong equipment at teknolohiya para sa mabisang rescue operation ng mga sundalo.
Sinabi pa ni Capt. Somera na sa Mayo 17, 2018 ay magkakaroon ng simulation exercse sa Calayan island sa Cagayan para makita ang mga natutunan ng mga sundalong pinoy mula sa mga sundalong amerikano.




