CAUAYAN CITY – Nakahanda na ang iba’t ibang venue para sa gaganapin 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Jomari Calara isang guro sa Phnom Penh Cambodia na handang-handa na ang Bansang Cambodia para sa 32nd Southeast Asian Games.
Sa katunayan aniya ay dumating na ang ilang atletang Pinoy kung saan magkakaroon ng football match sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia.
Tiniyak na rin umano ng Pamahalaan ng Cambodia na handa ang bawat pasilidad para sa iba’t ibang sporting events sa SEA GAMES 2023 habang dumaan sa matinding pagsasanay ang mga insibiduwal na magiging bahagi ng security forces na itatalaga sa iba’t ibang security events.
Gaganapin ang openning ceremony ng SEA Games sa Morodok Techo Stadium na may 75,000 sitting capacity na binuksan noong Agosto 2021 at nilaanan ng pondong 168 million dollars.
Ang Morodok Techo Stadium ay sumisibolo sa pagiging mapagpakumbaba ng Cambodia, habang ang mga football match ay gaganapin sa old national stadium.
Available na rin aniya ang isang software application na dinisenyo ng Cambodia upang masubaybayan ang mga schedule at venue ng mga events at match.
Inaasahan naman sa mga susunod na linggo ang pagdagsa ng mga sports enthusiast na manunuod sa 2023 SEA Games.
Bilang bahagi ng Filipino Community sa Cambodia plano agad na makakuha ng ticket upang mapanuod ang kuponan ng Pilipinas dahil inaasahang marami ang kukuha ng ticket sa pagbubukas ng SEA Games sa ika-lima ng Mayo.