--Ads--

CAUAYAN CITY – Umaasa ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) National Chapter na tama, malinaw, walang kaduda-duda at katanggap-tanggap sa lahat ang ilalabas na desisyon bukas ng korte sa mga akusado sa Maguindanao Massacre.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Atty. Domingo “Egon” Cayosa, presidente ng IBP na kabilang din sila sa mga nakaantabay sa promulgasyon ng kaso laban sa mga akusado.

Sinabi ni Atty. Cayosa na saludo sila kay Judge Jocelyn Solis Reyes ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) dahil siya ang nagtiyaga na dinggin ang kaso ng Maguindanao Massacre sa kabila ng mga pressure at death threat ay nanindigan siya na gawin ang kanyang trabaho.

Dahil dito ay bibigyan ng IBP ng parangal si Judge Reyes kapag katranggap-tanggap ang kanyang desisyon sa nasabing kaso.

--Ads--

Sinabi ni Atty. Gayosa na nauunawaan nila na tumagal ng 10 taon ang kaso dahil sa dami ng mga akusado, witness at biktima.

Magdedesisyon aniya ang hukom batay sa mga ebidensiya at testimonya laban sa mga akusado na may direktang kinalaman, accomplice at accessory sa Maguindanao Massacre.

Ang tinig ni Atty. Domingo Cayosa

Matatandaang 58 na tao kabilang ang 32 media workers ang napatay sa massacre.

Ang mga pangunahing akusado ay sina dating Mayor Datu Andal “Unsay” Ampatuan Jr at dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan na nakakulong; Datu Sajid Islam Ampatuan na nakapagpiyansa ng P11.6 million at ang kasalukuyang mayor na si Shariff Saydona Mustapha.