--Ads--

Sinuspinde ang Chief Prosecutor ng International Criminal Court (ICC) na si Karim Khan habang hinihintay ang magiging desisyon ng mga kasaping bansa ng korte kaugnay ng mga paratang ng sexual harassment laban sa kanya.

Ayon sa governing body ng ICC, isinagawa ang desisyon matapos ang halos 18 buwang imbestigasyon sa mga alegasyong nagsasabing nagkaroon umano si Khan ng non-consensual sexual interactions sa isang abogado sa kanyang opisina.

Batay naman sa isang diplomatic source na may kaalaman sa usapin, napagpasyahan ng executive bureau ng governing body ng ICC na si Khan ay nakagawa ng serious misconduct kaugnay ng mga paratang.

Mariing itinanggi ni Khan ang mga akusasyon laban sa kanya.

--Ads--

Ipadadala ng governing body ng ICC ang kanilang mga natuklasan sa lahat ng 125 ICC member states ng korte. Inaasahang pagbobotohan ng mga ito sa mga susunod na panahon kung dapat bang alisin si Khan sa kanyang posisyon bilang punong piskal ng ICC.