--Ads--

Ibinida ni Miss Universe Philippines-Isabela Jarina Sandhu,ang kaniyang “Ikapati” national costume sa Miss Universe Philippines Preliminary Rounds.

Ang kasuotan, na likha ng designer na si Kennedy John Gaspar, ay idinisenyong kahalintulad ng puno, kung saan si Sandhu ay tila umuusbong mula sa katawan nito. Napapalamutian siya ng mga bulaklak, palay, at mga dahon, habang may “Bambanti” sa kanyang likuran.

Ayon kay Sandhu, si Ikapati ay isang makapangyarihang diyosa na naninirahan sa likod ng mga matataas na kawayan, at minsang umibig sa isang mortal.

Mula sa kanilang ipinagbabawal na pag-iibigan, isinilang ang Bambanti isang nilalang na mapagmatyag, mahiwaga, at nilikha mula sa pinag-isang diwa ng lupa at langit.

--Ads--

Ipinahayag din niya na ang kanyang kasuotan ay isang pagkilala sa Isabela bilang sentro ng agrikultura sa bansa.

Ang disenyo ni Kennedy Gasper ay nagpapakita ng masaganang kulay ng ani, ginintuang palay, at mga elementong hango sa bambanti bilang pagpupugay sa malalim na ugnayan ng Isabela sa lupaing sinasaka.

Kahit baguhan sa Miss Universe Philippines, naging matatag ang performance ni Sandhu sa mga pre-pageant activities. Siya ay kabilang sa mga nanguna sa Personality Poll at itinanghal na Arete Tagaytay Goddess sa Boracay Swimsuit Show.

Ang Miss Universe Philippines 2025 coronation night ay gaganapin sa Mayo 2 sa Mall of Asia Arena, kung saan ipapasa ni Chelsea Manalo ang kanyang korona sa susunod na reyna.