--Ads--

CAUAYAN CITY – Naitala kahapon ang ikatlong kaso ng Coronavirus Virus (COVID-19) sa lalawigan ng Batanes.

Ang bagong pasyente ay si B-003, 82 anyos na matandang lalake na residente ng Barangay San Antonio, Basco, Batanes.

Siya ay may travel history sa Bacoor, Cavite at dumating sa Basco, Batanes lulan ng SkyPasada noong December 9, 2020.

Agad siyang isinailalim sa swab test matapos makitaan ng sintomas at kahapon, December 10 ay lumabas ang resulta na positibo siya sa sakit.

--Ads--

Si B-003 ay inoobserbahan sa Batanes Resort habang negatibo sa swab test ang tatlo niyang kamag-anak na kasabay niyang bumiyahe patungong Batanes.

Isinasagawa na ang extensive contact tracing ng health cluster ng lalawigan.

Pinawi naman ng pamahalaang lokal ng Basco ang pangamba ng publiko dahil isinasailalim sa screening ang lahat ng mga Locally Stranded Individual (LSI) sa Basco Airport at agad na dinadala sa isolation facility ang mga makikitaan ng sintomas.