--Ads--

CAUAYAN CITY- Pormal na naging miyembro ng Maharlika Philippine Basketball League o MPBL ang Lunsod ng Ilagan partikular sa Ilagan Isabela Warriors.

Ayon kay City Information Officer Paul Bacungan na ang kuponan ng Ilagan Isabela Warriors ay pangungunahan ni Team Owner Jose Avelino Diaz na pamumunuan ni Coach Louie Cruz ang dating coach ng JRU.

Sa March 8 ay inaasahang magbubukas ang MPBL sa The Capital Arena kaya puspusan na ang pagsasanay para sa 7th season.

Dahil sa panibagong milestone para sa Lunsod ng Ilagan ay labis ang kanilang kagalakan at kumpiyansa na magagawa nilang makuha ang korona ngayong season.

--Ads--

Sa katunayan isa ang pagiging kauna-unahang Sports hub sa Bansa sa puntirya ng City Local Government dahil maliban sa MPBL ay isasagawa rin sa The Capital Arena ang Bakbakan sa Ilagan kung saan magaganap ang Silver Weight championship ng World Boxing Organization o WBO.