--Ads--

CAUAYAN CITY  – Ilang anggulo ang iniimbestigahan ng Special Investigation Task Group (SITG) para malutas ang pagpaslang sa intelligence officer ng Maddela Police Station na natagpuang patay sa ilog sa Aglipay, Quirino.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PCol. Rommel Rumbaoa, Provincial Director ng Quirino Police Provincial Office (QPPO) na mayroon na silang sinusundang motibo mula sa pagkawala ni Police Executive Master Sergeant (PEMS) Dexter Altre noong ika-29 ng Disyembre 2020 hanggang sa siya ay matagpuan sa ilog sa Cabugao, Aglipay, Quirino noong January 2, 2021.

Lumabas sa imbestigasyon na bago umalis si Altre sa kanilang himpilan ay narinig ng kanyang mga kasamahan na may kausap siya sa cellphone na maaring kakilala niya.

Ayon kay PCol. Rumbaoa, maaring patraydor na pinatay si Altre bago itinapon sa ilog dahil sa tama ng baril sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo at puwedeng hindi niya alam na babarilin siya.

--Ads--

Dagdag niya na puwede ring na-set up ang biktima dahil wala namang sugat sa kanyang katawan na maari sanang nakipag-away.

Sinabi ng opisyal na maaring may kinalaman sa trabaho bilang intelligence operative o di kaya ay personal na rason kaya pinatay si Altre.

Sa ngayon ay hindi pa nila alam kung saan talaga siya pinatay lalo na at hindi na rin natagpuan ang cellphone na gamit niya nang marinig siya ng kanyang mga kasama na may kausap gayundin ang motorsiklo na kanyang ginamit sa pag-alis sa kanilang himpilan.

Ayon kay PCol. Rumbaoa, ang pagpatay kay PEMS Dexter Altre ay maituturing na heinous crime kaya bumuo sila ng SITG.

Ang pahayag ni PCol Rommel Rumbaoa