CAUAYAN VITY – Nakaisolate ngayon ang ilang atleta ng Deped Region upang hindi makahawa ng sakit sa kanilang kapwa manlalaro.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Ferdinand Narciso, Regional Sports Officer ng Deped Region 2, sinabi niya na maraming adjustment ang kanilang isinasagawa upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga atleta lalo na sa kanilang kalusugan.
Maulan aniya ang panahon nang sila ay dumating sa Cebu City at may mga naitala silang mga atleta na sumama ang pakiramdam tulad ng lagnat.
Nasa dalawang bata ang nakaisolate matapos na lagnatin at upang matiyak na hindi sila makahawa sa kanilang kapwa atleta
Agad naman aniya silang inasikaso ng kanilang medical team at nasa maayos nang kalagayan.
Dahil maulan ang panahon sa Cebu City ay bumili sila ng mga kapote at payong upang hindi sumuong sa ulan ang mga bata lalo na kapag umulan sa parada.
Maaari kasing maapektuhan ang suplay nito dahil hindi lamang ang palarong pambansa ang gaganapin sa lungsod kundi may tatlo pang national events.
Inagahan na umano nila ang pagbyahe dahil sa inaasahang dami ng pasahero sa mga pampublikong transportasyon.