--Ads--
CAUAYAN CITY- Nagkaroon na ng paghihigpit ang City Market Offie sa pagbabantay sa African Swine Fever.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo kay City Market Supervisor Gerry Manguira sinabi niya na may ilang paghihigpit na silang ipinapatupad sa loob ng pamilihan para matiyak na ligtas sa ASf ang mga ibinebentang karne sa pamilihan.
Maliban sa slaugther house ay binbantayan na rin ang mag inaagkat na karne o frozen meat.
Istrikto sila ngayon sa pagpapapok ng mga baboy sa Lunsod ng Ilagan lalo na at may ilang kaso na ng African Swine Fever sa Isabela.
--Ads--
Sa katunayan aniya may ilang frozen meat ang kanilang sinabat dahil sa mishandling at para mapigilan ang kontaminasyon ay agad nila itong inihukay.