--Ads--

CAUAYAN CITY– Masaya ang mga Pilipino sa Indonesia na personal nilang nakita si Pangulong Bongbong Marcos.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Roselyn Obcena, guro sa Indonesia na inasam nila ang presensiya ng Pangulo sa Indonesia mula noong panahon ng pangangampanya hanggang sa isagawa nila ang grand rally for unity at thanksgiving matapos siyang mahalal na pangulo ng bansa.

Maigsi lamang aniya ang meet and greet sa pangulo na halos isang oras dahil mahigpit ang kanyang schedule sa kanyang pagdalaw sa Indonesia na nagsimula kahapon .

Ayon kay Ginang Obcena, sinamantala nila ang pagkakataon para iparating sa pangulo ang ilang isyu at suliranin ng mga OFWs.

--Ads--
Ang pahayag ni Bombo International News Correspondent Roselyn Obcena