CAUAYAN CITY- Bukas na sa publiko ang bahagi ng kalsada sa Diadi, Nueva Vizcaya na sumailalim sa road construction.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Melecio Tumbali Jr. Project Engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office 2, sinabi niya na tanging road thermoplastic pavement markings na lamang ang isinasagawa sa lugar.
Matatandaan na kamakailan ay nagdulot ng pagsikip sa daloy ng trapiko ang naturang konstruksyon dahil sa one lane passable lamang ito subalit ngayon ay bukas na ang kabuuang lane nito.
Ang naturang proyekto ay ang huling phase ng kontrata ng DPWH noong 2024.
Sa ngayon ay wala nang kasalukuyang road construction sa Diadi subalit mayroong mga upcoming projects na kadalasang asphalt overlay lamang.











