--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinag-iingat ngayon ng Embahada ng Pilipinas ang mga Pilipino sa United Kingdom matapos ang mga nangyayaring riots sa ilang bahagi ng nasabing bansa.

Sa ngayon may ilang Pilipino na ang nabiktima ng pag-atake subalit walang naitalang serous casualty.

Maituturing na na terrorist attack ang nagaganap na kaguluhan sa ibat- ibang bahagi ng United Kingdom dahil sa pagkasawi ng tatlong bata sa kasagsagan ng Taylor Swift concert noong July 29,2024.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bombo International News Correspondent Atty. Gerlie Gonito na dahil sa riots ay pagkakaroon ng racial discrimination laban umano sa mga Asylum seekers kaya may malaking banta ngayon laban sa mga Asians and Muslims.

--Ads--

Bilang tugon at para sa seguridad ay nagpakalat na ang nasa 600 armies at nagtalaga ng security personnel sa iba’t- ibang bahagi ng UK partikular sa country side.

Nauna naring naglabas ng abiso ang embahada para sa mga Pilipino na mag- doble ingat  at manatiling bigilante at iwasang magtungo sa matataong o malalaking pagtitipon.