--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinuna ng ilang Netizen sa Social Media ang isinagawang kasalang bayan noong ikadalawamput walo ng Mayo sa Lunsod sa kabila ng pananatili ng lugar sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ.

Inihayag ng ilang Netizen ang kanilang opinyon ukol sa nasabing programa.

Ayon kay Mitz Oliver hiniling niya na hindi sana maging sanhi ang nasabing programa ng mas malawak na hawaan ng virus sa mga dumalo.

Mukhang alanganin aniya ang paglalatag ng Minimum Health Protocol sa lugar at sana ay isinagawa na lamang sa pamamagitan ng Online ang programa.

--Ads--

Paglilinaw naman ni City Mayor Joseph Tan, isinasagawa aniya ang mga ganitong programa alinsunod sa mandato ng National Government na kinakailangang gawin ng mga Local Government Units.

Natiyak naman aniya ang maayos na pagsunod sa Minimum Health Protocol partikular ang pagsusuot ng Facemasks, Face shield at social distancing sa tulong ng mga implementing agencies.

Ang bahagi ng pahayag ni Mayor Joseph Tan.