--Ads--

Pinangangambahan ngayon ang pananalasa ng “Monster Typhoon Bavi” sa isla ng Saipan at Northern Mariana Islands.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Edwin Sta Theresa, isang Radiologic Technologist mula sa Saipan, na nasa recovery stage pa lamang sila matapos manalasa nitong nakaraang buwan ng Bagyong Sinlaku at kasalukuyan na silang naghahanda para sa pagdating ng Super Typhoon Bavi ngayong araw ng Linggo.

Bilang preparasyon ay tiniyak nila ang sapat na supply ng baterya at pagkain, siniguro rin nila ang paglalagay ng mga window shutter para maiwasang pasukin ng tubig ang kanilang bahay habang siya bilang frontliner ay naka standby na rin sa posisbleng magiging epekto ng tinaguriang “monster typhoon”

Tiwala naman sila na magkakaroon ng sapat na tulong ang Estados Unidos para sa lahat ng mga residenteng maaaring ilikas sa pananalasa ng bagyo.

--Ads--

Tinatayang aabot pa lamag sa 1,300 to 1,500 palang ang bilang ng mga dokumentadong Pilipino na naninirahan at nagtratrabaho sa Saipan maliban pa sa mangilanngilan na undocumented OFW’s.

Sa ngayon kanselado na ang mga flights papasok at palabas ng Saipan bilang pag-iingat narin sa buhay at ari-arian ng mga pasahero at mga residente.