CAUAYAN CITY -Hinihiling ng kamag-anak ng nasawing Overseas Filipino Workers sa Saudi Arabia sa pamahalaan na magkaroon ng masusing imbestigasyon sa naanap na sunog na ikinasawi ni Reynado Castro na residente ng Roxas, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Alpha Mae Castro, pamangkin ng isa sa dalawang OFW na si Reynaldo Castro na wala man lamang opisyal ng pamahalaan ang maaring magpaliwanag sa tunay na ikinamatay ng kanilang kaanak
Marami anya ang naglalaro sa kanilang isipan na mga katanungan sa pagkamatay ng biktima dahil sa mga naipadalang larawan sa kanila.
Sa kabila na nais nilang paimbestigahan ang pagkamatay ng kanilang kaanak ay nais muna nilang pagtuunan ng pansin na maiuwi ang mga labi ng kanyang tiyuhin sa bansa
Nauna na ring nakipag-ugnayan ang pamilya ng biktima sa DFA Tuguegarao City at nakikipag-ugnayan na ang pamahalaang lokal ng Roxas, Isabela sa tanggapan ni Kalihim Dilvestre Bello III para sa pagpapauwi sa mga labi ng OFW.




