--Ads--

CAUAYAN CITY – Suliranin ng Department of Health (DOH) region 2 ang mababang immunization rate dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19) pandemic.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Rio Magpantay ng DOH Region 2, sinabi niya na mula nang maranasan ang COVID-19 pandemic ay pansamantalang natigil ang pagpapatupad ng immunization program para sa mga bata.

Ito ay dahil pinagtuunan ng pansin  ng DOH ang paglaban sa COVID-19 at hindi pinapayagang lumabas ang mga bata.

Ayon kay Dr. Magpantay, kailangang tutukan ngayon ng DOH region 2 ang mga vaccine preventable diseases dahil nakakamatay din ang mga ito tulad ng tigdas.

--Ads--

Kailangan  aniyang tutukan ang immunization program dahil kapag nagkaroon ng outbreak ay malaking problema ang dulot nito.

Nanawagan si Dr. Magpantay sa mga magulang na ipabakuna ang kanilang mga anak.

Plano ng DOH na magtungo sa mga bahay para mabakunahan  ang mga bata upang maging ligtas sa mga sakit.

Ang pahayag ni Regional Director Rio Magpantay.