--Ads--

Binigyang diin ng isang Political Analyst at Constitutionalist na hindi maaaring I-dismiss ang isang impeachment case alinsunod sa saligang batas ng Pilipinas nang wala man lang naganap na paglilitis.

Ito ay matapos ihag ni Senate President Francis Escudero na maaaring I-dismiss ng impeachment court ang kaso ni Vice President Sara Duterte sa pamamagitan lamang ng majority votes.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst at Constitutionalist, sinabi niya na ayon sa Section 3 ng article 11 ng 1987 constitution, kinakailangang litisin ng Senado ang impeachment complaint na naihain sa kanilang tanggapan.

Hindi umano maaaring basta na lamang I-dismiss ang isang impeachment case nanghindi man lang nagkakaroon ng trial dahil ito ay malinaw na paglabag sa saligang batas ng bansa.

--Ads--

Iginiit din nito na dapat manatiling impartial ang mga Senador dahil ito ay bahagi ng kanilang mandato bilang hukom sa impeachment court.

Ito ay upang matiyak na maging patas ang resulta ng impeachment at ang desisyon ng mga senate judges ay naaayon sa mga nailatag na ebidensya.