Malaking hamon umano para sa ekonomiya ng bansa kung sakaling matuloy ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst at Constitutionalist, sinabi niya kung sakali mang matuloy ang pagpapatalsik sa Bise Presidente ay titigil umano ang trabaho ng kongreso dahil lahat ng kanilang atensiyon ay nakatutok sa impeachment process.
Nangangamba siya na baka maulit ang nangyari noong na-impeached sina dating Chief Justice Renato Corona at Former Joseph Estrada na nagdulot ng matinding hinagpis sa lipunan.
Gayunpaman, nilinaw niya na posibleng ma-impeach si VP Sara dahil sa ilang mga grounds kagaya na lamang ng Graft and Corruption maging ang Betrayal of Public Trust ngunit kinakailangan umano itong pag-aralan ng maigi.
Aniya, maaari namang sampahan ng criminal case si VP Sara dahil wala namang ‘immunity from suit’ ang pangalawang pangulo.
Ganito ang bahagi ng pahayag ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst at Constitutionalist.
Samantala, hindi pa naman apektado sa ngayon ang ekonomiya ng bansa sa mga nangyayaring bangayan sa pagitan ng mga Marcos at Duterte.
Ayon kay Atty. Michael Henry Yusiungco, worst case scenario aniya kung makikisawsaw din ang ang sandatahang lakas ng Pilipinas sa ayaw pulitika dahil magreresulta ito sa Political Instability.
Kapag nagkataon ay matatakot na umano ang mga investors at negosyante na mamuhunan sa bansa na magreresulta sa pagkawala ng trabaho ng mga Pilipino.
Ngunit sa ngayon ay nakikita naman umano niya na ginagawa naman ng sandatahang lakas ng pilipinas ang kanilang tungkulin at nakatuon ang kanilang atensyon sa saligang batas.