--Ads--

Sinabi ng Malacañang na maaaring naiwasan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kung malinaw umano niyang nasagot ang mga alegasyon laban sa kanya at nakapagharap ng ebidensiyang magpapatunay na wala siyang kasalanan.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, wala pa umanong naihaharap na konkretong ebidensya ang kampo ni Duterte na nagpapatunay na wala siyang tinanggap na pera mula kay dating pulis Rodulfo Gracioso Jr.

Mariing itinanggi ni Duterte ang mga alegasyon ni Gracioso at sinabi niyang isusumite niya ang kanyang affidavit sa Huwebes.

Samantala, sinabi ni Duterte na ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasa likod umano ng mga alegasyon laban sa kanya.

--Ads--

Iginiit naman ng kanyang tagapagsalita na si Salvador Panelo Jr. na ironic ang pahayag ni Castro at kinuwestiyon ang administrasyon kaugnay ng mga isyung kinakaharap ng bansa.