--Ads--

Nagkakaubusan na ang mga imported na bulaklak ang mga flower shop sa lungsod ng Cauayan dahil sa dami ng mga bumibili.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Teresita Magaru, isang flourist sa lungsod ng Cauayan, aniya kahapon pa lamang ay fully booked na o na-order na lahat ang mga imported na bulaklak at aayusin na lamang ngayong araw.

Aniya, ito ang unang pagkakataon na nagkaka-ubusan ang mga bulaklak at tanging ma-ooffer na lamang ng kanilang opisina ay ang mga ordinaryong bulaklak. Dagdag pa niya, sa ngayon kasi ay may mga pumupunta rin sa kanilang flower shop para magwalk-in kaya madalas naghihintay pa ang mga ito ng ilang minuto para mai-ayus ang kanilang nais na arrangement ng bulaklak.

Sa tala ng kanilang shop, mas mabilis maubos ngayon ang basket dahil kagabi ay 150 ang basket na ang kanilang nagawa ngunit naubos agad ito kanina. Isa sa tinitignan nilang dahilan ay ang mga mamamayan na maagang nagpupunta sa puntod ng kanilang mahal sa buhay para mag-alay ng mga bulaklak.

--Ads--