--Ads--

CAUAYAN CITY – Mamadaliin ng Kamara ang pagsumite sa Senado sa panukalang batas na lilikha sa Department of Disaster resiliency (DDR) na inaprubahan nila bilang Committee of the Whole sa ginanap na special session kahapon sa Batangas City Convention Center.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Congressman Antonio Albano ng 1st district ng Isabela na posibleng bukas o sa Lunes ay maisusumite na nila sa Senado ang House Bill 5989, an Act seeking to create the “Department of Disaster Resilience.

Sinabi ni Cong. Albano na walang tumutol sa pagpasa sa panukalang batas sapagkat nakiisa ang oposisyon dahil nakita nila ang lubos na pangangailangang maitatag ang DDR na tututok sa pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagputok ng bulkang Taal.

Ayon pa kay Cong Albano, matapos nilang mapakinggan ang hinaing at pangangailangan ng iba’t ibang evacuees ay nakita nila na kailangan ang mabilisang action ng Kongreso.

--Ads--

Ito para sa pagbibigay ng financial assistance sa mga apektado ng pagsabog ng bulkan lalo pa at hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatibay ng Kongreso sa 30 billion pesos na supplemental budget.

Ang tinig ni Congressman Antonio Albano