--Ads--

Wala pang pormal na tugon ang Indian Government sa naganap na Pahalgam Attack na ikinasawi ng 28 na indibiduwal.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Ma. Elena Ignacio, nanatiling naka alarma ang Indian government at nag dagdag na rin ng seguridad sa borders gayunman hindi pa sila tumutugon sa naturang pag-atake ng militanteng grupo na ikinasawi ng higit 20 katao na pawang mga Hindu.

Marami ngayon ang nangangamba dahil sa posibilidad na muling maulit ang Mumbai Attack noong 2008 lalo at matagal ng may-alitan ang Pakistan at India.

Naghihintay pa ang mga Locals doon kung ano ang magiging tugon ng India sa insidente subalit isa lamang ang malinaw hindi ito ikinatuwa ng Pamahalaan.

--Ads--

Una naring naglabas ng pahayag ang Pakistan at itinanggi na sila ang nasa likod ng pag-atake.

Iniingatan ngayon ng India na magkaroon ng kaguluhan o civil war sa naturang bansa lalo na kung makukumpirma na ang mga sangkot sa pagpatay ay mga muslim.

Unang naging hakbang ng India para ipahayag ang pagkadismaya sa pangyayari ay ang pagsasara sa Indus River kung saan nanggagaling ang 30% ng water supply ng Pakistan.

Ipinatigil na rin ng Indian Government ang mga flight galing pakistan maging ang tweeter account ng Pakistani Government na ginagamit umano para sa pagpapakalat ng impormasyon sa terror attack.

Pinaalis na rin ang mga Pakistani Military sa Delhi maging ang mga Pakistani Nationals na nag tratrabaho sa India.

Nagpahayag naman ang Pakistan ng kagustuhang tumulong sa imbestigasyon subalit pinagdududahan ito ng India lalo at naghanda ng missile launchers ang Pakistan matapos ang terrorist attack.