--Ads--

CAUAYAN CITY – Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Solano at Bayombong Police Stations ang isang Indian national na itinuturing na High Value Target (HVT) ng Philippine Drug Enforcement Agency ( PDEA ) Region 2.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Chief Inspector Emmanuel Gomez, hepe ng Solano Police Station, kinilala niya ang nadakip ay si Raman Singh, 26 anyos, negosyante, mula sa Punjab, India at pansamantalang naninirahan sa Lingay, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Anya tinangka pa umanong tumakas ng suspek sa isinagawang drug buy bust operation laban sa kanya sa bayan ng Solano subalit agad ding nadakip sa bayan ng Bayombong.

Maliban sa isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakuha ng nagpanggap na poseur/buyer ay nakuha pa sa pag-iingat ng Indian national ang karagdagang plastic sachet at P/500.00 buy-bust money at ang kanyang motorsiklong walang plaka na ginamit sa transaksyon.

--Ads--

Ang Indian national ay nakakulong na sa Solano Police Station at inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous drug act of 2002).