--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pamunuan ng Tactical Operations Group (TOG 2), Philippine Air Force sa kanilang paggawa ng infectious waste bin na gawa sa drum ng Aviation Fuel.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Col. Augusto Padua, Commander ng TOG 2, sinabi niya dahil nakatambak lamang naman ang drum ng aviation fuel sa kanilang kampo ay naisip na lamang nilang gawin itong infectious waste bin.

Nakapagpadala na aniya sila ng anim na infectious waste bin sa Cagayan Valley Medical Center sa Lunsod ng Tuguegarao.

Batay sa International Standards ay dapat itong mapinturahan ng Dilaw o yellow at mayroong seal na nagsasaad ng infectious waste para alam ng mga gagamit kung papaano mai-disposed.

--Ads--

Sinabi pa ni Col. Padua na gumawa rin sila ng mga ordinary trash cans at ipinagkaloob nila sa mga nadaanang checkpoints.

Tinig ni Col. Augusto Padua.